paper ko sa nstp.haha
Sana : Isang Hiling ng Puso
Darren Ramon C. Avestruz
“Ganito talaga eh..” Ito marahil ang linyang makailang ulit nang narinig mula sa bibig ng maraming tao. Mga taong naging kuntento sa animo'y iginuhit ng tadhana para sa kanila. Mga taong walang ibang inisip kung hindi ang paano mabubuhay sa ngayon at bahala na ang kinabukasan. Mga taong inakalang ito ang nais ng Diyos para sa kanila. Mga taong inaakalang wala ng paraan para makaalis sa buhay na kanilang kinagisnan. Ito ang katotohanan ng buhay at ito ang nasilayan ko.
Isang dokyumentaryong pelikula ang isinagawa ng isang may malasakit na mamamayan. Ayon sa kanya isa lamang siyang ordinaryong manlilitrato na walang ibang nais kundi ang makuhanan ang mga bagay na labis na nagpapamangha sa kanya. Ngunit isang bagay ang gumising sa kanyang ulirat, ang katotohanan ng mundo na ibinahagi sa kanya sa pamamagitan ng kanyang kamera. Ito ang nagtulak sa kanya upang usisain ang mga buhay ng mga batang inabutan niya sa mga lugar na dapat sana'y para lamang sa mga nakakatanda.
Sa Queen City of the South siya unang nagtungo, at dito sa isang katayan niya natagpuan ang daan – daang baboy at baka na kinakatay sa magdamag upang maihabol sa palengke bago pa man sumikat ang araw. Sa gitna ng mga nakasabit na baboy, nagulat siya sa kung sino ang nagtatanggal ng mga balahibo ng baboy. Mga batang patpatin na may hawak na kutsilyo na masigasig nag – aalis ng mga balahibo ng baboy. Mga batang nakikipagsabayan sa magdamag na trabahong naangkop sa mga matatanda. Lahat para sa kagustuhang may maiuwi kahit kaunti sa pamilya. Isang bata ang nasugatan habang ginagawa ang kanyang trabaho. Tumigil siya panandalian. Binasa ang kanyang sugat. Kanyang ininda ang sakit. Binasa muli ang sugat sabay hawak muli ng kanyang kutsilyo saka ipinagpatuloy ang naiwang gawain. “Malayo sa bituka,” sabi ng bata. Di niya alintana ang sakit, ang pagod ng katawan, ang amoy ng lugar at ang mga langaw na halos pamahayan na ang kanyang likuran. Ito ang buhay ng mga batang matador. Dahil sa puyat, tulog sila sa maghapon kaya't hindi na sila pumapasok pa sa paaralan. At ano ang kapalit? Nkadepende raw iyon sa kagustuhan ng kanilang kapatas. Kung papakuhanin ba sila ng kaunting taba, o pag sinwerte kaunting laman at pag minalas wala. Pinapauwi na lamang daw sila ng kanilang amo. “Sana hindi na lang ako nagtrabaho ngayong gabi..” ang linyang maaaring nakatatak sa kanilang isipan. Ang linyang marahil ay manantili na lamang sa kanilang mga isipan.
Sumunod niyang tinungo ang bayan ng Ormoc sa Leyte. Isang lalawigang di gaano ang kalayuanna di kukulang sa pitong oras na byahe sa barko mula Cebu. Dito niya nahanap ang mga batang halos pareho ang tadhana sa mga batang matador – ang mga batang hornal. Ito ang tawag sa mga batang nagbabanat ng buto sa tubuhan – nagtatanggal ng mga damo sa gild ng mga nasabing tubuhan. Sa maagang edad, namulat sila sa pagtatrabaho sa dahilang ipinamulat din sa kanila ng kanilang mga magulang. Ito ang utang na kailangang mabayaran ng kanilang pamilya. Isang batang sampung taong gulang ang kanyang nakilala. Isang batang walang kamuwang – muwang sa tunay na nangyayari sa kanyang paligid. Ang tanging alam niya lamang ay papaluin siya ng kanyang ama kapag hindi siya nagtrabaho. Ngunit pagod na siya. Isang paslit na nagbigay ng isang titig na nagsasabing sa murang edad ay pagod na siya sa kanyang buhay. Wala siyang iabng gusto kung hindi ang makapag – aral ngunit ang magulang niya raw ang pumipigil sa kanya. Ito ay totoo sa halos lahat ng mga batang hornal sa Ormoc. Mga batang nangangamba kung may maisasaing pa ba sila sa kanilang hapunan o tanghalian. Mga batang nag – aalala kung paano kaya nila mababayaran ang kanilang utang pagsapit ng anihan. Mga kusang naghahanap ng ikabubuhay sa mga panahong hindi sila kinakailangan sa tubuhan. “Sana dumating na ang anihan..” ito na marahil ang pangarap nila kahit kakatanim palang ng mga tubo. Nang sa gayon ay hindi na nila kailangan pang maghanap kung saan ng ihahain nila sa mesa paglubog ng araw.
Matapos sa Leyte, napadpad siya sa Dapitan sa Mindanao. Sa isang pier niya naabutan ang grupo ng mga bata na naglalaro ng tumbang preso. Mga mukha sila ng kasiyahan at kamuwangan.ito ang tunay na imahe ng kabataan – kasiyahan sa paglalaro at walang pangamba sa buhay. Ngunit hindi raw ito ang tunay na 'sila'. “Bumalik ka mamayang alas siyete ng gabi at doon makikilala mo kami..” Kinagabihan, doon niya nalaman na totoo ang sinabi ng mga bata sa kanya. Nadatnan niya ang mga ito bilang mga batang kargador ng semento galing sa barko. Malayung – malayo sa naabutan niya kinaumagahan. Ang mga batang kaninia'y naghahabulan ay mga parang kalabaw na banat sa pagtatrabaho. Unti – unting dinidiskarga ang mga semento sa barko. Maalikabok. Mainit. Mahirap huminga. Ito ang tinitiis ng mga bata mula sa bodega ng barko. Tila ba sa isang iglap ay ninakawan sila ng kanilang kaligayahan, at maaaring maging ang kanilang mga karapatan. Sa pier na ito umiikot ang mundo ng mga batang ito. Gaya ng mga batang matador at mga batang hornal, iisa ang nasa isip nila. Ang makatulong sa kani – kanilang mga pamilya. Sa paghahangad na balang araw ay magiging maayos din an kanilang buhay. Mga dahilang paunti – unting lumalamon at nagpapabago ng kanilang pagkatao. Mga dahilang nagpaikot sa kanilang masikip na mundo. Mga bagay na kanilang ipinasan sa kanilang mga balikat sa kabila ng kanilang murang isipan. Mga bagay na hindi nila alam kung kailan matutupad. Maaaring ito na rin lang ang nagiging dahilan para gumising sila sa umaga, ang dahilan nila para mabuhay. Lubos na tumatak sa akin ang mga sagot ng mga bata sa tanong na anong trabaho ang gusto nila sa kanilang paglaki. “Yung madali lang..taga walis sa barko..” “Ako taga deliver ng asukal..” ito ang mga sagot nilang nagpapatunay sa karanasang ibinabahagi ng mundong kanilang kinalalagyan sa kasalukuyan. “May trabaho ba dun sa inyo?Kahit ano..kahit taga alaga lang ng manok o baboy. Kahit maliit ang sweldo basta ba hindi lang yung maalikabok. Para hindi na rin kami umiinom ng tuba para maalis ang mga sementong nakadikit sa aming baga.” ito ang pagnanais nilang makawala sa hirap na kanilang dinadanas. Sa kabila ng mga ngiting humuhupa sa sakit ng katawan at labis na kapaguran, madadama't makikita mo pa rin sa kanila ang kalungkutan at pag – aasam na mabuhay. “Sana maaari na lamang kaming magaral at maglaro maghapon..” Hindi man nila binanggit ng diretso pero ito ang ipinahiwatig ng mga ngiti nila sa akin.ang mga ngiti at titig na naghahanap ng kadamay mula sa pagkalugmok na ito. Ngunit wala silang magawa. Hindi sila makapagreklamo sa lugar na pinagtatrabahuhan nila. Hindi sila makaangal sa alikabok na kanilang nalalanghap. Hindi sila makapagtanong kung saan napupunta ang kanilang sahod. Sana hindi na lang ganito..sana.
Sa mundong ginagalawan natin, hindi maiwasan ang magkanya – kanya at magsarili. Hindi naman ito masama sapagkat sa buhay kailangan nating tahakin ang daang sa tingin natin ay para sa atin at magdesisyon ukol sa mga bagay – bagay sa ating buhay. Paraan ito upang makilala ang ating mga sarili at maging matatag para sa mga hamon ng buhay. Sa kabilang banda, lumalabas ang masamang epekto na pagsasarili – ang pagkawala ng pakialam sa iba. Hindi na ito kataka – taka at lalong hindi na ito bago sa ngayon. Isang patunay na ang “Minsan Lang Sila Maging Bata.” Ang pagpasa ng mas mbigat na trabaho sa mga batang kargador. Ang hindi pagpayag ng mga kapatas na umuwi at kumain ng tanghalian ang kanilang mga tauhan. Ang pagbibigay ng sahod na halos wala pa sa isang – kapat ng kanilang pinagpaguran. Ang pag – aalis sa karapatan ng ibang tao na maging malaya at maging masaya. Ang pagpigil sa mga naghihiyawang damdamin ng mga bata. Lahat ito ay nangyayari sa ating lipunan. Lahat ito ay patunay ng pagdidiin ng pagkakaiba ng kalagayan ng tao. Sinasabi ng iba na ito raw ay ang kagustuhan ng Diyos, na ito raw ang itinadhana ng kapalaran kaya hindi na maaaring baguhin. Ito raw ay plano Niya para sa mga taong ito. Lahat ito ay walang katotohanan para sa akin. Kailanman ay hindi Niya ginustong maghirap tayo. Hindi Niya kailanman ninais na malugmok sa matindin pighati ang kanyang mga mahal na anak. Hindi kailanman nararapat na sisihin Siya sa lahat ng nangyayari sa mundo. Hindi nararapat na magalit sa Kanya at hindi na muling kilalanin pa sapagkat tayo'y nagdurusa at naiwan sa kadiliman. Tayo ay mga tao. May kakayahang mag – isip at pumili ng desisyon. Maaaring hindi kasalanan ng mga batang iyon na ipanganak at abutan ang ganoong klase ng buhay. Hindi rin maaaring isisi ang lahat sa kanilang mga magulang sa pagbibigay nila ng mga kakulangang ito sa kanila. Lahat tayo ay kayang mag – isip.may kakayahang makakita at makaunawa. Responsibilidad natin ang ibang tao sa mga paraang maaaring hindi natin alam. Isa lamang ang kagustuhan ng Diyos sa sitwasyong ito. Ang makitang nagtutulungan ang kanyang mga anak. Ang makitang nagkakaroon ng malasakit ang bawat isa sa atin. Ang pagkakaroon natin ng pang – unawa at paghahanap ng paraan upang makagawa ng kahit na anong kontribusyon. “Bakit hindi ang Diyos ang tumulong sa kanila?”, argumento ng iilan. Para sa akin, walang kwenta ang argumentong ito sa dahilang ang lahat ng nangyayari sa mundo ay nakasalalay sa atin. Sa bawat ginagawa natin ay unti – unting umuusbong ang ating pagkatao. Nagkakaroon tayo ng sariling pag – unlad na kailangan natin sa buhay. Isang pagkakataon upang mas makilala pa ang ating mga sarili at matuklasan ang mga bagay na kaya pa nating gawin. Isa itong paghahanap ng kaligayahan sa ating mga sarili sapagkat alam nating ginagawa natin ang tama. Nasa isang lipunan tayong pinagbubuklod ng isang dahilan, at ito ay ang gawin ang mga bagay na naaayon sa Kanyang kagustuhan upang sa huli ay tayo'y Kanyang makasama.
Sa bawat materyal na bagay na ipinagkait ng pagkakataon sa mga batang iyon, lalo itong nagtutulak sa kanila upang gawin at pasukin ang mga dinadanas nila ngayon. Ngunit hindi lamang itoordinaryong paghahangad ng mga bagay na tinatamasa ng maramisa atin, ito ay mas malalim na paghahangad ng pagkakataong mabuahy pa ng isang araw sa mundong ito. Ito rin ang naghihimok sa kanilang lakbayin ng mas maaga ang mundong hindi pa angkop sa kanila. Ito ang landas na napilitan nilang tahakin. Nagpupumilit man silang bumalik ngunit hindi nila alam kung paano. Nagpupumiglas ang kanilang mga puso sa pagbaybay ng daang ito ngunit hindi nila alam kung may makakarinig pa sa kanila. O maaaring hindi na rin nila sinusubukan sa pagkawala ng pag – asang may makikinig pa sa kanilang mga hiyaw.
Matapos mapanood ang pelikulang iyon, naatasan kaming gumawa ng reflection paper. “magandang panimula sa bagong taon,” sabi ko sabay ang bunton hininga. Paguwi ko dun ko naintindihan ang nararapat kong gawin. Sa rami ng pagkakaabalahan at iniisip ko sa linggong ito, tila ba kinalimutan ko muna ang totoong mundo kaya ko marahil nasabi ang bagay na iyon. Sa pagsulat ko nito, mas lalong umigting ang paniniwala kong hindi lamang ako ang naghihirap sa panahong ito. Ang kamera ng direktor ng pelikula ang nagpakita sa akin ng katotohanan. Kung tutuusin hindi naman na bago ang isyung napanood ko. Kaya lang iba talaga kapag napanood mo ulit. Hindi mo mapigilang tumitig, mag – isip at alalahanin ang buhay na mayroon ka. Isang kamulatan sa katotohanan. Maaaring isang paalala na pahalagahan ang kung anong mayroon ka sa ngayon. Isang babala na maaari itong mangyari kahit kanino man. Masaklap, pero totoo. Mahirap..ngunit wala nga bang kawala? Sa tingin ko ay hindi. Isang nagpupuyos na damdamin ang nangibabaw sa akin. Isang paghahangad para sa kanilang lahat. Ngunit sino ang tutulong? Sino ang gagawa ng hakbang? Sino ang magsisimula? Maaaring sila. Maaari ding ako. At mas pipiliin kong ako na lang kaysa umasa pa sa kanino pa man at maghintay ng mangyayari. Ngunit paano? Saan ako magsisimula? Magagawa ko kaya? May mababago pa kaya ako sa kapalaran nila? Hindi ko alam. Ito ang mga tanong na naiwang nakabitin sa aking buong pagkatao. Sana'y mahanap ka na ang mga kasagutan – habang hindi pa huli ang lahat.
ngunyan ko lang natapos dahil kay trixia.haha

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home