SAAN NGA BA ANG PILIPINAS?
Wala na nga bang kwenta ang Pilipinas? Yung bansang tinawag pa naming Perlas ng Silanganan? Yung bansang pinagbuwisan ng mga buhay nina Rizal at Bonifacio? Wala na nga ba talagang dahilan para lumaban at iahon ang bansang ito?
Ito yung mga tanong na naggugulo sa iaispan ko simula ng matamo ko ang aking kamulatan. Mga tanong na pinili ko munang huwag sagutan. Mga tanong na sadyang ikinimkim ko sa aking sarili upang ako mismo ang m,akasagot nito pag dating ng araw. Siguro nga masyado pa akong bata at labis na kulang sa karanasan upang masagot ang mga anong na ito. Ngunit hindi naman ako bulag. Hindi rin naman ako ipinanganak na tanga upang hindi Makita ang mga pangyayari sa bansa natin. Maging ako ay nahihirapan. Sabagay sa katotohanan ay lahat tayo apektado. Ay marahil hindi pala lahat. Yung mga nasa taas pala hindi. Para ngang mga walang pakialam sa kung anong nakikita nila sa baba. Para bang tuwang tuwa pa silang makitang naghihirap ang kanilang mga kababayan. Ang galling nga eh. Pakatapos nilang magmakaawa sa mga boto ng tao at sila ay maihalal sa pwesto. Parang wala lang nangyari. Nawala na lahat ng mga pangakong iaaahon raw nila ang bansa sa dinadanas nitong pagkalugmok. Bulok na talaga ang sistema. Ganun na talaga. Kaya naman hindi mo na masisi ang mga kababayan nating ayaw ng magtiwala at making sa mga pulitikong iyan sapagkat pagod na sila at nagsasawa na sa paulit ulit na pagpapahirap nila sa mga taong walang ibang ninais kundi ang isang magandang buhay. Mahirap nga ba iyong maintindihan para sa mga mahal nating pinuno?
Kabilang ako sa mga mamamayang naghahangad lamang ng kaginhawaan sa buhay. Sabagay sino nga ba ang ayaw? Ngunit paano mo nga naman ito matatamasa kung ang pinagpaguran mo ng maghapon ay kakaltasan lamang ng gobyerno ng buwis. Sa totoo lang hindi naman talga ako kumokontra sa buwis. Paraan ito ng gobyerno upang makakalap ng pondo para maialoka sa mga programang nararapat makabalik sa tao. Eh kaso yun ay kung makabalik pa. halos lahat walang ibang bukambibig kundi gaano kawalang kwenta ang gobyerno. Maganda sana ang hangarin ng pagpapanukala ng buwis. Ngunit hindi ang mga nangungulekta nito.
Nakakainis raw ang nga tamad. Talaga, sino nga ba naman ang natutuwa sa mga taong ito? Pero hindi lahat ng mahihirap ay naghirap dahil sila ay tamad. Sino ba naman ang makukuntento sa pagiging mahirap? Ang katotohanan ay wala silang magawa sa kabila ng kanilang paghihirap na umangat ang kanilang mga buhay. Hindi sila mabigyan ng maayos na edukasyon at oportunidad upang mapatunayan ang kanilang mga sarili. Kung sino pa yung mga mahihirap yun pa ang lalong pinahihirapan. Ang galing talaga no. Kaya naman pinanghihinaan na sila ng mga loob. At walang sinuman ang makapagsisisi sa kanila kung bakit ganoon.
Simula pa noong bata ako bilib na ko sa mga aktibista. Idolo ko sila sa kanilang integridad at prinsipyo na ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan. Ngunit nalungkot din ako ng matuklasan kong may mga taong handing magpabayad para lamang magsisigaw sa kalsada at manggulo. Pero alam ko hindi lahat. Hindi naman porket aktibista ka ay kailangan mong magsisigaw at magbilad sa araw maghapon. Kanya kanya tayo ng paraan ng paglaban para sa alam nating tama. Anong tawag mo kay Ninoy? Nabayaran? Alam ko maraming sasang ayon sa sinabi kong ito. Hindi sila dapat batikusin sapagkat pinaglalaban lang nila ang tama at sa tingin nilang makabubuti para sa ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyo. Yun ang pagsasakripisyo at pagmamahal sa bansa. Hindi yung pagtalikod sa Inang bayan sa panahon na kailangan niya tayo. Bakiy kailangang magsialisan ang mag Pilipino sa sarili nilang tahanan? Sapat na bang dahilan ang kahirapan upang takasan at kalimutan ang baying nagbigay sa atin ng buhay? Hindi naman siguro tama iyon. Hindi iyon ang pinakamaayos na solusyon. At pagnagkataon lalo lamang matutuwa ang nakararaming ganid sapagkat wala ng may lakas ng loob na kalabanin sila at makipagpatayan para sa kanilang bansa. At ngayon ipinagmamalaki kong isa ako sa kanila. Isa ako sa mga taong nahihirapan dahil sa mga pangyayari pero walang panahon para sumuko. Walang panahon para magsisihan at magturuan. Walang panahong mag relaks at hayaan ang mga mapagsamantala na gumala sa ating paligid. Mat magagawa pa tayo. Marami pang oras. Marami pang pagkakataon. Marami pang dahilan upang gawin ito. At kahit kalian hindi ko tatalikuran ang sarili kong bayan at sasabihing, “Saan nga ba ang Pilipinas?”

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home